 Don Mariano Marcos Avenue a.k.a Commonwealth Avenue Yeah, it's bigger than ever before; bigger the space, bigger the vehicle capacity, and of course, bigger the problem.
Malayo sana patutunguhan ng ComAve, kaso, marami ako nakikitang mali... 1. Paano naman luluwag ang trapiko kung pagdating mo sa Fairview ay biglang liliit ang kalsada? Wala akong nakikitang lupa na pwedeng paglagyan ng kalsada. Ano pa kaya kung tapos na ang rehabilitasyon ng ComAve simula Philcoa hanggang Batasan? Magtatayo ba sila ng Skyway? 2. Ano na ginagawa ng malahiganteng U-Turn slot malapit sa Sandiganbayan? Ang pangunahing layuning ng proyekto ay upang mapabilis ang transportasyon mula sa Hilagang Maynial, ngunit sa tuwing dumadaan ang sinasakyan ako ay biglang bumabagal ang kilos ng trapiko. JOKE ba iyon? 3. Mukhang pinabayaan na ata ang mga nakatambak na lupa lagpas ng COA. Kung hindi pa sila tapos sa pag-aayos ng isang lugar, eh bakit binungkal na nila agad iyon? Mas lalo pa ata pinasisikip ang trapiko ng mga nun eh... 4. Ang sidewalks ba ay para sa tao? a. May mga nilagay na poste ng MMDA sa kahabaan ng ComAve at napansin ko na may mga streetlight na sana sobrang liwanag kapag gabi na, ngunit bakit hindi ito umiilaw? Dekorasyon lang ba iyon? at, b. Bakit may mga nakaparadang sasakyan sa mismong sidewalk ng ComAve? Hindi na pala para sa mga tao ang sidewalks, parking lot na pala sila. Dapat Parking Alley nalang ginawa doon.
ayon.... kung sino man makakabasa nito, hindi ako galit... wala lang, trip ko lang... hehe 
| |
|